Tapos na ang nclex exam ko kahapon... YAY~!
so ang mas nakaka-kabang part na ang pinagdadaanan ko ngayon...
ang pag-iintay ng results.
Wish ko lang talaga na pumasa ako,
ayoko nang ulitin yung ilang buwang walang tulog na matino
at ang maka-migraine na pag-aaral para lang pag-handaan yung lintek na exam.
Sana mag-dilang anghel lahat ng bumati sa akin ng good luck,
sana pakinggan yung mga dasal naming mga nag-dasal na pumasa ako.
haiz...